MELYN EPRES
“Patungo sa Malasang Paglalakbay”
Si Melyn Epres, dating overseas Filipino worker at isang single mother, ay nagpasiyang bumalik sa Pilipinas dahil sa mga hamon sa kanyang kalusugan. Sa kadahilanang hindi na sya makabalik sa kanya dating trabaho, naisip ni Epres na magtayo nalang ng isang negosyo na kung saan ay maipapakita ang iba’t-ibang pampalasang madalasang ginagamit ng mga Pilipino. Sa kabila ng maraming mga hadlang at pagsubok, ang kanyang determinasyon at pagiging matatag ang nagbigay-daan sa kanya upang mapalawak ang operasyon at maparami ang kanyang mga produkto. Nakabuo din sya ng matatag at maayos na uganyan sa kanyang mga suppliers at customers. Kaya naman labis ang pasasalamat ni Epres sa tulong at suportang ibinigay ng 1Sari sa kanyang negosyo upang ito’y tuloy-tuloy na umunlad at matulungang dumami ang mga customer na nagpapahalaga sa kanyang tunay at mataas na kalidad na mga produkto.
TREASURE ANDREW NAMOC
“Feeding dreams with patience and persistence”
Sa paglaganap ng Covid-19, napakaraming mga negosyo ang nagsara at mag empleyado na nawalan ng trabaho. Kaya naman, napagpasiyahan ni Treasure at ng kanyang asawa na magresign nalang sa kani-kanilang trabaho. Naisipan nalang magtayo nalang ng food service na negosyo. Sa kabila ng mga pagsubok, ang kanilang pang-unawa at dedikasyon sa negosyo ang naging dahilan upang ang kanilang maliit tindahan lumago. Ang dating isang maliit na oulet, sa ngayon ay naging tatlo na. Sa pamamagitan naman ng tulong na ibinigay ng 1Sari, nagkaroon sila ng kakayahan na maghire ng mag tauhan at bumili ng mga kagamitan sa kusina. Dahil sa kanilang katapatan at integridad sa pagpapatakbo ng negosyo, kaya naman sila ay patuloy na tinatangkilik ng mga tapat na customers.
MARGIE PADUA
“Mula sa pagiging ‘Apprentice’ hanggang sa pagigingkilalang Jewelry Appraiser at Negosyante”
Ang kwento ni Margie Padua ay patunay sa mga kahanga-hangang tagumpay na maaring marating sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at matinding determinasyon sa pagnenegosyo. Sa loob ng 28 taon na karanasan bilang isang apprentice at ganap na jewelry appraiser sa mga kilalang pawn shops, makikita ang kanyang husay, kaalaman, at kasanayan sa kanyang larangan. Kahit hindi nakapagkolehiyo, nakakuha siya ng mga kaalaman at pananaw sa mundo ng negosyo sa pamamagitan ng kanyang mga naging karanasan. Noong 2013, naglakas-loob si Margie na tuparin ang kanyang pangarap na maging negosyante. Sa limitadong kapital, nagsimula siyang bumili ng alahas at ipinagkatiwala ito sa mga mapagkakatiwalaang jewelry shops. Sa pamamagitan ng kanyang husay at galing sa pagkilatis ng kalidad at malawak na koneksyon sa industriya, ito ang nagsilbing daan upang sya ay makilala bilang isang mahusay na negosyante. Ngayon, patuloy na nagbibigay inspirasyon si Margie sa marami, patunay na ang pagkakaroon ng matinding “passion” kalakip ng tamang suporta ay magreresulta ng matagumpay sa mundo ng pagnenegosyo.
DR. RONNIEL SERAMINES
“Magtayo ng isang malusog na komunidad ng may integridad”
Si Dr. Ronniel Seramines, ay isang dating tagapag-organisa ng NGO at isa sa mga nagtaguyod ng kilusang “ Botika ng Bayan” noong administrasyong Arroyo. Naiisipan nyang magtatag ng supply chain na negosyo para sa mga maliliit ng botika sa komunidad sa South Luzon. Sa kabila ng mga pagsubok at mga mahigpit na regulasyon, ang kanyang integridad at etikal na pamamaraan, kasama ang suporta ng 1Sari ang nagbigay ng pagkakataon na palawakin ang kanyang pinagkukunan na medical supplies at paramihin ang kanyang mga produkto. Nagkaroon din sya ng pagkakataon na pagtibayin at palawakin ang kanyang koneksyon sa mga kliyente.
JOVANIE VISTO
“May pera sa Basura”
Nagsimula ang paglalakbay sa negosyo ni Jovanie Visto noong siya ay nasa kanyang kabataan pa at siya ay nagsimulang maging isang apprentice sa isang malaking junk shop sa Cavite. Sa pamamagitan ng masusing obserbasyon at mga naging karanasan sa loob ng maraming taon, si Jovanie at naging dalubhasa sa pagpapatakbo ng junkshop. Kahit hindi nakapag tapos ng kolehiyo, ang kanyang determinasyon at praktikal na kaalaman ang nagsilbing matatag na pundasyon para sa kanyang mga susunod pang karanasan sa pagnenegosyo. Noong 2011, sa pamamagitan ng kaunting puhunan, sinubakan ni Jovanie na magtayo ng kanyang sariling junkshop. Ang kanyang matibay na paninindigan sa katapatan at pangunawa ay nagbigay sa kanya ng tiwala ng kanyang mga empleyado at pinagkukunan ng kalakal. Sa paglipas ng mga taon, naging mabilis ang paglago ng kanyang negosyo na nagpapatunay sa kanyang kasipagan at integridad. Ang kanyang karanasan ay nagpapakita ng kamangha-manghang potensyal sa ibang pang mikro-entrepreneur at ang mahalagang kontribusyon ng pagkakaroon ng core values sa pagkamit ng tagumpay sa negosyo.
MARISSA CORONEL
“OFW noon, mahusay ng Negosyante na ngayon”
Kilalanin ang mga Coronel, ang nakakainspire na mag-asawang nasa likod ng Hashtag Mini Grocery. Dating mga Overseas Filipino Workers (OFWs), nagsipagpasiya nilang mamuhunan gamit ang kanilang pinaghirapang ipon sa Pilipinas, at simulan ang kanilang pinapangarap na negosyo. Noong 2022, nagsimula ang 1Sari sa pagbibigay ng pondo para sa imbentaryo sa Hashtag Mini Grocery. Ang partnership na ito ang nagbigay daan sa mga Coronel upang lumago ang kanilang negosyo. Mula sa isang maliit na tindahan sa barangay, lumago ang kanilang tindahan na naging sentro sa kanilang komunidad. Ang dedikasyon ng mga Coronel at ang di-magagaping suporta ng 1Sari ay nagdulot ng positibong pagbabago. Ang kanilang kwento ay patunay sa Lakas ng mga lokal na negosyo at ang epekto ng pinansyal na suporta.